Pagkuha ng Visa Pilipinas

Pinoy tips upang mabilis na makakuha ng Tourist Visa sa Japan

Basahin ang artikulo sa: English

Basahin ang aking personal na karanasan sa pagkuha ng Tourist Visa sa Japan.

Ako ay 20 taong gulang, may dalawang taon nang nagtatrabaho sa Pilipinas bilang Digital Marketing/Web Developer. Nasa Facebook ako nang naglabas ang Cebu Pacific ng murang pamasahe papuntang Japan. Hindi ako nagatubiling magbook agad at hindi na naisip kung makakakuha ba ako ng Visa o hindi. Sa katunayan, pwedeng kumuha ng tourist visa sa Japan kahit wala pang kompirmadong flight.

Inaral and nakinig ako sa mga taong naranasan nang pumunta sa Japan. Isinumite ko lahat ng dokumentong kakailanganin sa isang agency. Pagkaraan ng isang araw lamang, nakatanggap ako ng tawag upang kunin ang aking pasaporte. Nakuha ko ang aking pasaporte na may Japan Tourist Visa, ibig sabihin, aprubado ang pagpunta ko ng Japan. Naaprubahan ang visa sa parehong araw na ako ay nag apply.

Mas di hamak na madali ang pagkuha ng Tourist Visa sa Japan kung ikukumpara sa pagkuha ng visa sa China. Tingnan kung paano ko ito ginawa.

Ihanda ng maayos ang mga kakailanganing dokumento

Pasaporte – huwag kalimutang isulat and detalye sa Emergency Contact ng inyong pasaporte. Siguraduhing gumagana ang numero ng telepono na ilalagay. Huwag na din mag apply kung ang iyong pasaporte ay mawawalan na ng bisa sa loob ng anim na buwan.

  • Application Form – idownload dito.
  • Photo with white background – pumunta sa isang photo studio at sabihing kakailanganin mo ito para sa Japan Visa, alam na nila ito dahil halos araw araw na nila itong ginagawa. Ang sukat ay 4.5cm x 4.5cm, idikit ang larawan gamit ang paste at hindi stapler. Siguraduhing walang alahas o salamin sa iyong larawan.
  • Birth Certificate – xerox copy.
  • Itinerary sa Japan – tingnan sa baba ang detalye.
  • Bank Certificate – magkaiba po ang certificate sa bank statement, wag matigas ang ulo.
  • Income Tax Return
  • Employment Letter – sulat galing sa kompanyang pinapasukan. Tingnan ang detalye sa baba.

Application Form

Mas maiging sagutan ang form online upang maiwasan ang pagkakamali. Lagyan ng N/A kung walang sagot o hindi naaangkop. Maari mong punan ang form dito: Japan Tourist Visa Application Form.pdf

Limang Araw na Itinerary sa Japan

Katunayan ay hindi ko alam kung saan pupunta sa Japan at ang plano ko lang ay gumala kahit saan. Sa kabila nito, kakailanganin ito ng embahada ng Japan upang malaman nila kung saan mo nais pumunta. Mayroon lamang akong mas mababa sa ₱ 40,000.00 balanse sa aking bangko nung ako ay nag apply.

Ngayon, tiningnan ko ang TripAdvisor at nilista ang mga pwedeng puntahan sa Japan. Sa aking itinerary, hindi ako nilagay ang anumang lugar na may mataas ng entrance fees gaya ng Tokyo Disneyland. Sa halip, nilagay ko ang mga libreng pasyalan tulad ng Shibuya Crossing sa Tokyo o anumang sikat na lugar na puwedeng bisitahin ng libre. Nagreserba din ako ng budget hotel sa Booking.com at inilagay ang kanilang detalye tulad ng address at numero sa aking itinerary. Ginawa ko ang aking itinerary ayon sa aking ipon at kapabilidad sa pinansyal. Sa ganitong paraan, ikaw ay magiging isang budget traveler sa mata ng embahada ng Japan.

Isiping mabuti ang balanse sa bangko

Ang isa na may regular na posisyon sa trabaho at may malaking ipon – maaaring isipin ng embahada n meron kang sapat na pondo upang makapag TNT sa Japan o lumabag sa anumag kondisyon ng visa.

Ang isa na may regular na posisyon sa trabaho at may maliit o saktong ipon – titingnan ngayon ng embahada and iyong itinerary kung kakayanin mo ang mga magiging gastusin sa Japan.

Bago umalis, naghanda na ako ng cash gamit ang isa ko pang savings account. Dumating ako sa Japan, nag tour nang hindi sinunod ang ginawang itinerary. Nagawa ko pang sumakay ng Shinkansen na halos triple ang mahal kung ikukumpara sa pagsakay sa bus. Pero tandaan na ang ganitong mga kaso ay dapat napagplanuhan at napag-isipang mabuti.

Tungkol sa iyong Bank Certificate

Alalahaning Certificate lamang ang banggit ng embahada. May ilan na Bank Statement ang isinumite at na-deny o refused and kanilang aplikasyon dahil lamang sa hindi tamang pagsunod.

Income Tax Return

Isumite ang original at kopya ng ITR 2316.

Ilan sa atin ay wala nito. Para sa akin, hindi maganda kung mag-aapply ang isang freelancer halimbawa, kung walang maipapakitang ITR. Ito’y nangangahulugan na hindi nagbabayad ang aplikante ng buwis.

Mas mainam kung merong tagapanagot o sponsor sa ganitong mga kaso. Ang kailangan lamang ay may maayos na dokumentong pinansyal ang tagapanagot sa byahe mo sa Japan. Kung walang kakilalang tagapanagot, maaring lumapit sa isa sa mga ahensiya upang humingi ng tulong.

Employment Letter or Certificate

Mas tataas ang chance na makakuha ng visa kapag meron lalo na kung maayos at kompleto ang detalye nito. Tingnan kung papaano ko ito isinulat:

Kumpanya Pangalan ( colored logo ng kumpanya upang madagdagan ang pagkalehitimo)
TIN
Address
Email
Numero ng Telepono
Ang katawan ng nilalaman ay ang aking tagal sa trabaho, ang aking posisyon at ang aking buwanang suweldo. May nakasulat ding eksakto tulad nito:
“He will be in Japan for 5 days for travel purposes. He will never do business in your country. “
Nilagdaan ito ng managing director ng aking kumpanya, hindi nang aking HR.

Isumite

Pumunta lamang sa accredited na mga ahensya ng embahada.

(Salapi: Piso)
Batayan: Embahada ng Japan sa Maynila, Pilipinas (Nobyembre 2016)

SINGLE ENTRY VISA  SINGIL
Universal Holidays Inc.
1,150.00
Discovery Tour Inc.
800.00
Reli Tours and Travel (no guarantor)
950.00
Reli Tours and Travel
2,000.00
Attic Tours Phils Inc.
1,725.00
Friendship Tours Manila
1,200.00
Pan Pacific Travel
1,000.00
Rajah Travel and Tours
1,500.00

Umaga ng Huwebes, isinumite ko sa Reli Tours sa Dusit Thani sa Makati ang aking mga dokumento, ito ang pinakamalapit sa aming opisina. Kinuha at ibinigay sa isang hapon ang aking mga dokumento, sinuri niya ito isa isa ng walang tanong. May ₱ 950.00 handling fee ang pagkuha ng visa sa Reli Tours.

Walang sinisingil ang embahada ng Japan sa pagkuha ng tourist visa para sa mga pinoy. Ngunit sila ay tumatangap lamang ng bultuhang aplikante mula sa mga accredited agencies at isa doon ay ang Reli Tours.

Resulta

Nagulat ako kinabukasan tumawag ang Reli Tours upang kunin ang aking pasaporte. Nakuha ko ang pasaporte na may Japan visa sticke ngayon, maari ko nang baguhin ang aking plano sa Japan.

Masaya dahil nakuha ko na ang aking visa pero may pagkadismaya sa Reli Tours. Naglagay lang naman sila ng sticker nila sa likod ng aking pasaporte bilang advertisement at kung tatangalin ay mapupunit lamang ang mismong pasaporte. Mainam nang hayaan at humayo sa Japan ng hindi sira ang pasaporte.

About the author

Mark Adelan

7 Comments

Click here to post a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.